PENTHOUSE NI CONG. LEVISTE SA BGC, SINASABING BINAKANTE NA

Umano’y inilikas na ni Cong. Leandro Leviste ang kaniyang mga personal na gamit mula sa inuupahan niyang penthouse unit sa Horizon, Bonifacio Global City (BGC), Taguig.

Ayon kay National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag, nakatanggap ang kanilang tanggapan ng impormasyon na tatlong linggo na umanong nakalipas nang ipahakot ni Leviste ang kaniyang mga gamit. Gayunman, sinabi ni Matibag na hindi pa beripikado ang naturang ulat.

Wala rin umanong impormasyon si Matibag tungkol sa alegasyong naibenta na ni Leviste ang ilan sa kaniyang shares sa kumpanyang kaniyang itinatag.

Hindi rin kinumpirma ng NBI chief ang ulat na posibleng naghahanda si Leviste at ang kaniyang ina, si Senadora Loren Legarda, na mag-apply ng asylum sa ibang bansa.

Ayon kay Matibag, kasalukuyang nasa France si Leviste matapos umano itong magtungo sa Switzerland.

Samantala, sinabi ng direktor na hihiling ang NBI ngayong linggo ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Leviste. Posibleng maisama rin sa naturang kahilingan sina dating Cong. Jing Paras, apat na abogado ng Rondain & Mendiola Law Firm, at ang nakakulong na talent manager na si Lito de Guzman.

Nauna nang itinanggi nina Leviste, Paras at ng mga nasabing abogado ang anumang pagkakasangkot sa umano’y kampanya ng character assassination laban sa tinaguriang “Little President.”

Representative Leandro Leviste