5
views
views
Nasawi ang isang civilian employee ng Sultan Kudarat Municipal Police Station matapos tambangan ng mga armadong lalaki sa bahagi ng Cotabato-Kidapawan Highway sa Barangay Dalumangcob nitong Sabado ng umaga, Agosto 22.
Kinilala ang biktima na si Jonathan Juan, isang non-uniformed personnel ng Sultan Kudarat Municipal Police Station.
Batay sa inisyal na ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, sakay si Juan ng kanyang Honda Click motorcycle na may plakang 423 MRI at nagmula sa Cotabato City nang pagbabarilin siya ng mga suspek.
Nagtamo ng mga tama ng bala si Juan at agad na nasawi sa insidente.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang mga motorsiklo.
Si Juan ay residente ng Pigcawayan, Cotabato, isa sa 17 bayan ng lalawigan na kabilang sa Region 12.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga nasa likod ng pananambang at ang motibo sa krimen.
Facebook Conversations