views
Sa inilabas na 17-pahinang resolusyon nitong Huwebes ng gabi, Oktobre 8, sinabi ng ICC Trial Chamber III na nauunawaan at naipagtatanggol ni Duterte ang kanyang mga karapatan bilang akusado sa isang patas na paglilitis.
Naging batayan ng pasya ang pagsusuri ng isang independiyenteng pangkat ng mga ekspertong medikal, kasama ang mga dokumento at pahayag na isinumite ng mga panig na sangkot sa kaso.
Sa kanilang pagsusuri, walang bagong ebidensiyang nagpapakitang lumala ang kalagayang pangkaisipan o kakayahang kognitibo ng dating pangulo. Gayunman, nabanggit sa ulat ang ilang hindi pagkakatugma sa mga natuklasan ng mga eksperto.
Napansin din ng pangkat ang pagbuti ng pangkalahatang pisikal na kalagayan ni Duterte, na posibleng dulot ng serbisyong medikal at pag-aalaga na natatanggap niya habang nakadetine.
Facebook Conversations